Hawak na ng PNP si Supt. Maria Cristina Nobleza at ang kasintahan nitong si Reenor Lou Dungon na isang Abu Sayyaf member.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa iniimbestigahan na nila kung ano anong mga impormasyon ang posibleng binigay ni Nobleza sa mga teroristang grupo.
Si Nobleza ay dating miyembro ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group o AIDG bago na-destino sa Davao City bilang Deputy Regional Chief ng PNP Crime Laboratory.
Kasong kriminal at administratibo ang isasampa laban kay Nobleza.
Hindi inaalis ng PNP ang posibilidad na nais nitong ilabas ng probinsya ang kasintahang Abu Sayyaf member.
Napagalaman din ng PNP na kapatid ni Dungon ang isa sa mga Abu Sayyaf leader na pinagahahanap ngayon ng PNP.
Nitong Sabado alas-8 ng gabi April 22 nang maaresto Nobleza at Dungon sa Clarin, Bohol ng tangkang takasan ang checkpoint ng PNP.
Kasama ng dalawa sa sasakyan ang malapit na kaanak ng mga kilalang Abu Sayyaf leader.
Kasama ng dalawa ang mga biyenan ng napatay na Indonesian Terrorist Zulkifli Bin Hir, alias Marwan, ang napatay na Abu Sayyaf leader na si Khadaffy Janjalani ni Abu Solaiman, na iniugnay sa 2004 superferry bombing at Ahmad Santos, ang founder ng Rajah Solaiman movement.
Hihilingin ng PNP chief sa korte na ma-detain si Nobleza sa Camp Crame habang iniimbestigahan ang kaso dahil maituturing umano itong high risk suspect.
Si Nobleza ay kasalukuyang nakakulong sa Tagbilaran City.
(Grace Casin)
Tags: Abu Sayyaf member, Babaeng pulis