Babaeng nasugatan sa motorcycle accident, sinaklolohan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 7854

Mag-aalas dies kagabi, nakatanggap ng tawag mula sa isang concerned citizen ang 911-UNTV Hotline kung saan mayroon umanong sugatang babae sa Elliptical Road na naaksidente sa motorsiklo

Agad nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang insidente. Pag dating sa lugar, mabilis nilapatan ng first aid ng grupo ang 23 anyos na si Roshelle Cruz na nagtamo ng mga gasgas sa kaliwang braso. Kwento ng kinakasama nito na si Darwin Manuel, angkas ang biktima, pauwi na sana sila galing sa isang pamilihan sa Elliptical Road ng banggain ng isang Toyota Vios.

Subalit depensa naman ng driver ng Toyota Vios na si Miraldi Muksan, siya ang binangga ng motorsiklo dahil kakanan sana siya papasok sa Commonwealth Ave. Wala rin anya siyang kasalanan kaya wala siyang pananagutang sa gastusin sa pagpapagamot kay Roshelle sa ospital.

Samantala, matapos namang lapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang biktima ay dinala ito ng grupo sa East Avenue Medical Center.

Sakali namang makasaksi sa isang aksidente, tiyakin munang ligtas ang pinangyarihan ng aksidente bago lumapit para tumulong. Pagkatapos ay bantayan at tingnan kung may malay ba ang biktima at pakalmahin saka humingi ng tulong sa iba pang bystander na tumawag na sa rescue at pulisya.

Ilan sa maaaring tawagan ay ang hotline number ng QC-DPOS Rescuea, MMDA Rescue at ang UNTV News and Rescue sa hotline number na 911-8688.

 

( Macky Libradilla / UNTV Correspondent )

Tags: , ,