Babaeng nabundol ng jeep sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 30, 2018 (Tuesday) | 7953

Nadatnan ng UNTV News and Rescue Team na nakaupo sa gilid ng kalsada at iniinda ni Editha Bidal ang pananakit ng likod matapos mabundol ng jeep kaninang pasado alas siete ng umaga sa may Mindanao Avenue, Quezon City. Naglilinis sa lugar ang street sweeper ng mangyari ang insidente.

Ayon sa mga nakasaksi sa pangyayari, iniwasan ng jeep ang isang tricycle subalit nasagi naman nito si Bidal.

Matapos malapatan ng first aid ay agad dinala ng UNTV Rescue ang biktima sa Quezon City General Hospital. Nasa kustodiya na ng mga pulis ang jeepney driver para sa pagsasampa ng kaukulang reklamo.

Tinulungan din ng UNTV News and Rescue ang driver ng isang naaksidenteng van kaninang madaling araw sa may Aguinaldo Highway, Barangay Sampaloc Uno, Dasmariñas City, Cavite.

Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang tinamong gasgas sa kaliwang hita at kanang siko Michael Mahina.

Ayon kay Mahina, nakaidlip siya habang nagmamaneho kaya nangyari ang aksidente. Tumanggi na ang biktima na magpadala sa pagamutan.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Tags: , ,