Babae, patay matapos barilin sa Malabon City

by Radyo La Verdad | June 22, 2016 (Wednesday) | 1581

DEAD-01
Dead on the spot ang isang babae matapos barilin ng hindi pa nakikilang suspek sa Paradise Brgy. Tonsuya Malabon City pasado alas dose kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima sa alyas na Nanay Marie, anim na pung taong gulang na isa umanong manghuhula at manghihilot.

Ayon sa kanyang kaibigang si Yolly bumisita lang anya ito sa kanyang bahay kahapon at nakiusap na dito magpalipas ng gabi.

Subalit kaninang hating gabi, ilang malalakas na katok ang kanilang narinig subalit hindi umano sumasagot kung sino ang kumakatok.

Dito na binuksan ng biktima ang pinto at agad na nakarinig ng pagputok ng baril sa lugar.

Natagpuang nakahandusay at duguan ang biktima sa loob ng bahay na nagtamo ng tama ng bala sa ibabang bahagi ng kaniyang kaliwang mata na agad naman nitong kinamatay.

Sa kasalukuyan, patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo ng pamamaslang.

(Macky Libradilla/UNTV Radio)

Tags: ,