Babae arestado matapos mahulihan ng illegal drugs sa Quezon City

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 1659

suspek
Nadakip ng mga tanod ng Barangay Botocan ang isang babae na hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos mahulihan ng isang sachet na hinahalang shabu sa Quezon City dakong alas onse y medya kagabi.

Kinilala ang suspek na si Melissa Matias, 35 anyos na residente sa nasabing barangay.

Ayon kay BPSO Teodora Cielo, hinuli nila ang suspek sa may looban dahil sa kahina-hinalang kilos nito.

Nang kapkapan nito nakitaan ito ng illegal na droga na tinago pa nito sa kanyang underwear.

Nakumpiksa sa suspek ang isang maliit na sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 700 pesos.

Nagsisi naman ang suspek matapos itong maaresto.

Itinurn over ng mga taga barangay ang suspek sa Quezon City Police District Station-9 at sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Reynante Ponte/UNTV Radio)

Tags: