BA.2 Omicron sublineage, laganap na sa Pilipinas lalo na sa Metro Manila – Phil Genome Center

by Radyo La Verdad | January 28, 2022 (Friday) | 3085

Kinumpirna ni Phil Genome Center Executive Director Dr. Cynthia Saloma na laganap na ang Omicron variant partikular ang BA.2 sublineage pagpasok pa lang ng Jan. 2022. Mabilis itong kumalat sa mga komunidad sa Metro Manila

“It is safe to say that this subvariant, this Omicron variant is already all over the country. By the time we entered 2022. Almost a 100% of the sequenced we have particularly in the National Capital Region as well as the CALABARZON are Omicron cases”, pahayag ni Dr. Cynthia Saloma, Executive Director, Phil Genome Center.

Ayon pa kay Dr. Saloma, tila naungusan na ng Omicron ang Delta variant sa dami ng nade-detect ngayon na kaso sa bansa.

Lumalabas naman sa global data na mas laganap ang BA.1 at ito ang prevalent variant of concern  sa iba’t-ibang bansa.

Ibig sabihin kahit paano’y napigilan ng pamahalaan ang pagkalat ng BA.1 sublineange na mula sa mga biyaherong galing sa iba’t-ibang bansa.

Ang BA.2 naman ay tinatawag ding “stealth omicron” dahil mayroon itong isang undected spike protein na hindi nakikita sa common na ginagamit na RT-PCT testing.

“It lacks the deletion of 69-70 in the spike region that is really targeted in the commonly used RT-PCR kit soon sa Europe at  ibang countries, 1:12 positive pa rin po siya sa RT-PCR testing except that one of those signals po ay nawawala kaya tinatawag po na stealth omicron”, dagdag ni Dr. Cynthia Saloma.

Isa naman sa nakikitang dahilan kaya mild lang ang infection ng mga nakukuha ng mga nagkasakit sa NCR ay dahil mayorya na ng populasyon ay bakunado na kontra Covid-19.

Samantala, mayroon nang 618 na bagong kaso ng Omicron variant sa bansa. Sa mga bagong kaso, 497 dito ay local cases at 121 na returning overseas Filipinos.

Sa kabuoan, mayroon nang 1,153 na Omicron variant cases sa bansa at 5 dito ang nasawi.

Paliwang ng DOH predominant variant ang Omicron nguni’t umiiral pa rin naman ang Delta variant sa bansa.

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: , , ,