Ayudang naipamahagi ng DSWD sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses, umabot na sa mahigit P13M

by Erika Endraca | November 15, 2020 (Sunday) | 4352

Metro Manila – Batay sa pinakabagong ulat ng Department of Social Welfare and Developmentn (DSWD), pumalo na sa P13,831,226.75 na halaga ng mga food and non-food item ang naipamahagi sa iba’t ibang field offices at regional offices ng ahensya sa buong bansa bilang ayuda sa nga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Nakatanggap na ang DSWD field office CALABARZON Ng 1,000 family food packs(FFP’s)  at 550 na kaban ng bigas na ire-repack  para ipamahagi sa mga mamayang nasalanta ng bagyong Ulysses sa Sta. Rosa at San Pedro City, Laguna.

Sa inisyatibo naman ng Philippine Coast Guard , nasa 12,000 FFPs ang nakahandang dalhin at ipapamahagi sa 5 munisipalidad ng Polilo Island , probinsya Ng Quezon sa darating na Lunes, ika-16 ng Nobyembre.

Sa Cagayan Valley, aabot sa 1,300 FFPs ang ayudang ibinigay ng DSWD field office II sa lalawigan ng Quirino para matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong pamilya sa munisipalidad na nasasakupan nito bunsod narinnNg paghagupit ng bagyong Ulysses.

Tumanggap din kahapon(Nov.14), ang siyudad ng Tuguegarao ng 5,000 FFPs at nasa 2,000 food packs naman ang ipinagkaloob sa Solana ,Cagayan.

Karagdagang 10,000 FFPs , 2,000 hygiene kits at 2,000 sleeping kits din ang  ibinigay ng DSWD National Resource Operation Center (NROC) sa nasabing Rehiyon.

Katuwang naman DSWD field office I,ang Philippine National Police Regional Office I sa papamahagi ng family food packs,  kung saan 1,540 FFPs ang inihatid sa field office sattelite warehouse sa Batac,Ilocos Norte; 2,000 FPPs sa Bantay, Ilocos Sur; at 700 FFPs naman sa  Urdaneta City, Pangasinan.

Samantala , ang field office ng Cordillera Administrative Region (CAR) ay namigay ng 244 FFPs at 69 family kits sa mga apektadong pamilya ng Pinukpuk,Kalinga at 206 FFPs ang sa Luna,Apayao.

Katulong din ng mga Local Government Unit ( LGU) ang DSWD  sa pamamahala sa mga evacuation centers na nakakalat sa buong bansa.

Ayon sa pinakabagong ulat, nasa 80,908 na pamilya o 303,055 na indvidwal Ang pansamantalang nanunuluyan ngayon sa 2,980 na evacuation center sa Region I, II, III, CALABARZON,V, at National Capital Region.

(Kyle Nowel Ballad | La Verdad Correspondent)

Tags: