Ayuda sa mga naapektuhan ng panibagong lindol sa Mindanao, iniutos ni Pangulong Duterte

by Erika Endraca | October 30, 2019 (Wednesday) | 7531

MANILA, Philippines – Nagbigay na ng direktiba si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na magpaabot ng kinakailangang ayuda sa mga naapektuhan ng lindol sa Mindanao. Nakatutok din ang pamahalaan sa sitwasyon sa rehiyon.

Umapela naman ang palasyo sa publiko na manatiling kalmado at alerto at iwasan din ang pagkakalat ng maling impormasyon at manatiling nakatutok sa sitwasyon sa pamamagitan ng official government channels.

May posibilidad din aniyang dumalaw si Pangulong Duterte sa mga apektadong lugar bago magtungo sa Thailand sa susunod na Linggo.

“The president is concerned with what happened in the latest earthquake in Mindanao and he has directed all the agencies to provide assistance to the victims of the earthquake and continue with their usual reaction to such situations such as this one”ani Presidential Spokesperson & Chief Presidential Legal Counsel Sec. Salvador Panelo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: ,