Nagkamit ng plake ng pagkilala at cash prize na 500 libong piso ang kompositor ng awiting “Kung Pag-ibig Mo’y Ulan” na si Christian Malinias bilang song of the year.
First runner up naman ang awiting “Pakakamahalin Din Kita” sa komposisyon ni Dennis Avenido.
Second runner up ang komposisyong “Jesus I Love You” ni Timothy Joseph Cardona.
At third runner up ang awiting “Pahintulutan Mo” na komposisyon ni Leonardo De Jesus III.
Nanalo din bilang people’s choice award ang awiting “Dakila Ka Ama sa panulat ni Ella Mae Septimo at best music video ang “Sabik Sa’yo” ni Joseph Bolinas.
Itinanghal namang best interpreter si Leah Patricio.
Tumanggap din ng 20 libong piso bilang consolation price ang mga hindi nagwagi sa patimpalak.
Sa ASOP music festival, nabigyan ng inspirasyon ang mga pilipinong kompositor.
(Rosalie Coz/UNTV News Correspondent)
Tags: asop on untv, asop year 4 grand finals, asop4grandfinals, smart araneta coliseum october 14, UNTV