Aviation sector, maaring abutin pa ng 4 na taon bago makabawi sa matinding epekto n COVID-19 pandemic – CAB

by Erika Endraca | August 21, 2020 (Friday) | 2543

METRO MANILA – Isa sa mga sektor na pinakamatinding tinamaan ng pandemya ay ang aviation sector.

Kung saan natigil ang mga biyahe ng eroplano dahil sa ipinatutupad na travel restictions ng iba’t-ibang bansa gayundin sa mga probinsya.

Pinagbawalang bumiyahe ang mga tao sa pangambang lalo pang kumalat ang COVID-19.

Sa pag-aaral ng International Civil Aviation Organization (ICAO) posibleng umabot sa mahigit sa 300-B US dollars, ang malulugi sa global aviation ngayong taon.

Paliwanag ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla kahit pa matapos ang pandemya, hindi madali na makabawi dahil sa tindi ng epekto ng pandemya sa ekonimya ng maraming mga bansa.

Samantala pinagaaralan naman ng CAB na amyendahan ang Air Passenger Bill of Rights (APBR), na aakma sa ganitong sitwasyon na may pandemya.

Kasunod ito ng sari saring reklamo sa pagrefund ng plane tickets ng mga airline company, pero ayon sa CAB nauunawaan nilang kumplikado ang sitwasyon lalo’t ngayon lamang tayo nakaranas ng ganitong klase ng krisis sa kalusugan.

Hindi pa idinetalye sa ngayon ng cab ang partikular na probisyong babaguhin sa apbr habang patuloy pa itong pinagaaralan ng mga otoridad.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,