Automatic exchange of information, nakikitang sulosyon sa pagsugpo sa tax crimes

by Radyo La Verdad | June 10, 2015 (Wednesday) | 1271

APEC
Sa pagpapatuloy ng workshop ng APEC sa fiscal management, natuon ang diskusyon ng mga delegado sa international tax transparency and cooperation.

Natalakay ang isyu ng tax crimes at iba pang financial crimes katulad ng money laundering, tax evasion at korupsyon sa gobyerno.

Ayon kay Richard Parry ng the Organization for Economic Cooperation and Development o OECD, mahigit 3.6% ng Global Gross Domestic Product ng Asia Pacific region ang nawawala dahil sa tax crime.

Sinabi ni Parry na kailangan ng mekanismo upang panagutin ang ilang indibidwal at multi-national enterprises na hindi nagbabayad ng tamang
buwis.

Upang maiwasan na lumala ang kaso ng tax evasion, makatutulong para sa Asia Pacific Region ang pagkakaroon ng mabilisang palitan ng mga impormasyon o ang tinatanawag na “Automatic Exchange of Information”.

Dito ay malayang makakukuha ang isang indibidwal o pamahalaan ng impormasyon ukol sa isang tao, pribado man o opisyal ng pamahalaan, ukol sa kaniyang paraan ng pagbabayad ng buwis.

Tags: ,