Automated coin deposit machines, inilunsad ng Central Bank

by Radyo La Verdad | November 7, 2022 (Monday) | 4451

Nakararanas ngayon ng artificial coin shortage ang bansa. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay dahil may ilang Pilipino ang hindi ginagamit ang kanilang barya at sa halip ay iniipon lamang ito.

Upang masolusyunan ang nasabing isyu, inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang automated coin deposit machines kung saan maaring ihulog ng mga Pilipino ang kanilang barya para maging credit.

Nakipag-ugnayan ang BSP sa ilang business groups gaya ng SM, Robinsons, at Filinvest para magamit ang mga naipong credit sa kanilang establisymento.

Pwede rin namang ilagay ng mga customer ang kanilang coin deposit sa kanilang bank account o e-wallet.

Nasa 25 na CODM ang ii-install sa mga piling lugar sa greater Manila at ilang probinsya. Sa pamamagitan nito, maibabalik sa circulation ang mga barya upang maiwasan ang kakulangan sa suplay.

Dagdag pa ng BSP, mas madagdagan ang gastos ng gobyerno kung magpo-produce ng pa ng coins dahil sa shortage.

Tags: ,