Australian PM Turnbull, inatasan ang mga paaralan na mas higpitan ang parusa sa mga bully

by Radyo La Verdad | March 14, 2018 (Wednesday) | 3753

Inatasan ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull ang mga school principals sa buong bansa na patawan ng mas mabigat o mahigpit na parusa ang mga bully.

Hinikayat nito ang mga paaralan na magbantay laban sa mga nang-aaping estudyante sa campus man o online.

Bukod pa sa mga bullying sa mga primary schools, binalaan rin ni Turnbull ang mga colleges at universities na dapat na silang maghigpit at magbigay ng sanction sa mga estudyante na mapapa-sama sa violent activities at hazing.

Palala ng prime minister sa lahat ng magulang, mga paaralan at mga kamag-anak ng mga batang ito na lahat ay may bahagi para maitigil na ang bullying.

Binigyang-diin ng prime minister na ang pamahalaan ay may zero tolerance rule para sa mga violators. Ang bullying ay isang crucial issue ngayon sa Australia dahil maraming kaso ng suicide dahil sa bullying.

Nito lamang nakaraang  buwan, dalawang bata sa Queensland ang napabalitang nakaranas ng matinding pighati dulot ng bullying.

Isang 8 anyos na batang babae ang nagtangkang magpakamatay dahil sa panunukso ng mga kaklase at isang labing apat na taong gulang na batang babae naman ang nagpakamatay matapos makaranas ng cyber bullying.

Ayon sa statistics ng ReachOut Australia, isa sa apat na bata sa bansa ang nabibiktima ng bullying  kada isang  linggo sa Australia.

 

( Erly Briones / UNTV Correspondent )

Tags: , ,