Nangako ng tulong si Australian Prime Minister Malcolm Turnbull para sa modernisasyon ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Ito ang pahayag ni Prime Minister Turnbull sa isinagawang Bilateral meeting ng Pilipinas at Australia kanina.
Nauna nang nagdonate ang Australia ng dalawang landing craft heavy vessels na pinangalanang BRP Ivatan at BRP Batak.
Dumating ito sa bansa noong naakaraang buwan ng agusto.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., nagpahayag din si Turnbull ng pagnanais nitong mapalawak pa ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at Australia.
Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Aquino si Turnbull dahil sa maraming aspeto ng pagunlad gaya ng sa Private Public Partnership o PPP,peace process,technical-vocational education and training, PPP for infrastructure development.
Ayon pa kay Coloma, nangako si Pangulong Aquino ng tulong para sa counter terrorism.
Mahigpit na din aniyang nakikipagtulungan ang Pilipinas kasama ang ibang bansa para sa de – radicalization ng mga indibidual o grupo na banta sa seguridad ng mamamayan.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)
Tags: Australia, Pilipinas, sandatahang lakas