P48.3-M walk-in freezers ipapadala ng Australia sa Pilipinas

by Radyo La Verdad | October 9, 2021 (Saturday) | 517

METRO MANILA – Inaasahang kumpletong darating sa Pilipinas sa Nobyembre ang walong “walk-in cold storage room” mula sa Australia na nagkakahalaga ng 1.38 milyong AUD (P48.3-M), layunin nitong matulungan ang bansa para sa magandang pag-iimbakan ng mga sensitibong bakuna tulad ng Pfizer.

“I think at the end of this month, the storage facility is arriving in the country and it will be delivered in November,” ani Than Le, Australian Embassy Counsellor for Development.

Bahagi ang donasyong ito ang suportang mula sa Australia na nagkakahalaga ng P1.25-B na gagamitin upang matulungan ang bansa sa pagtugon nito laban sa COVID-19.

Patuloy din ang pakikipag-negosasyon para sa pagkuha ng doses ng bakuna na siya ring pinondohan ng Australia, nagkakahalaga ito ng P52-M. Kaisa dito ang United Nations Children’s Fund (UNICEF).

Narito ang ilan sa lugar na pagdadalhan ng 8 walk-in storage room at mga iba pang kagamitan, Bicol, Caraga, Cordillera Administratibong Rehiyon, Soccsksargen, Surigao del Sur, Nueva Ecija, Zamboanga del Norte, at Isabela.

Bukod sa P1.2-M, ay kasama din ang pagsuporta ng Australia sa paghahatid ng bakuna at pagsisikap na palakasin ang testing capabilities ng bansa.

Samantala, Sapat na ang 432 milyong piso sa lahat na ilalaan ng Australia upang masuportahan ang mga prayoridad ng bumubuting kalusugan ng Pilipinas sa 2022-2023.

(Marc Aubrey Gaad | La Verdad Correspondent)