Hindi pinangalanan ng principal complaintant na si Atty Larry Gadon ang umanoy opisyal ng Supreme Court na nakiusap sa kanya na iatras na lamang ang inihaing impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Subalit nanindigan si Atty. Gadon na hindi siya magpapatinag dahil mabibigat umano ang hawak niyang ebidensya. Positibo naman ito para sa kampo ni Chief Justice Sereno.
Sa ngayon, halos kumpleto na umano ang mga ebidensyang ilalatag ni Atty. Gadon sa pagbabalik ng pagdining sa Kamara, kung saan aalamin na ng House Committee on Justice kung may probable cause ang reklamo.
Pinakamabigat umano sa mga alegasyon sa reklamo ay ang isyu sa SALN, falsification of public resolutions at betrayal of public trust.
Naghahanda narin ang kampo ni Sereno na depensahan ang punong mahistrado.
( Grace Casin / UNTV Correspondent )
Tags: Atty. Larry Gadon, CJ Sereno, impeachment