Atty. Harry Roque, tiniyak na may basehang legal ang mga bibitiwang pahayag bilang Presidential Spokesperson

by Radyo La Verdad | November 2, 2017 (Thursday) | 2957

Isa sa mga founder ng Center for International Law, naging abogado ng mga biktima ng human rights violation kabilang na ang ng ilang mamamahayag, at naging kinatawan ng Kabayan Partylist.

Ilan lamang ito sa mga karanasan at hinawakang posisyon ni Atty. Harry Roque. Kaya tiniyak nito na bilang bagong tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte ay laging magiging sang-ayon sa batas o may legal basis ang mga bibitiwan niyang pahayag.

Plano rin ni Roque na magkaroon ng Deputy Spokesperson na hahalili sa kaniya sa mga pagkakataong hindi siya available.

Magsasagawa rin aniya ito ng press briefing sa Marawi City tuwing Miyerkules upang magbigay ng update sa isasagawang rehabilitasyon ng pamahalaan.

Samantala, kinumpirma naman nitong magka-text sila ni dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella at hanga rin ito sa naging performance nito.

Umiwas naman si Roque na sagutin ang tanong kung may plano siyang tumakbo bilang senador sa 2019 National Elections.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,