Atm card ng mga pulis, bahagi na ng uniporme at kasali na sa araw araw na inspeksyon

by Radyo La Verdad | September 23, 2015 (Wednesday) | 1323

PNP
Bahagi na ng uniporme ng isang pulis ang kanilang automated teller machine card kung saan pumapasok ang kanilang sweldo.

Ayon kay Finance PIO Chief P/ CInsp. Harry Sucayre, araw araw na magsasagawa ng inspeksyon sa lahat ng tauhan ng PNP kada unit kung kumpleto ang uniporme ng mga ito kabilang ang i.d. at atm.

Ang lahat ng pulis na mahuhuling walang atm sa inspection ay magkakaroon ng derogatory record kung saan kinakailangan ng mga itong magpaliwanag.

Sinabi pa ni Sucayre na isinama ang atm sa inspeksyon bilang bahagi ng uniporme upang maiwasan ng mga pulis na isangla ang kanilang atm sa kanilang pinagkakautangan.(Lea Ylagan/UNTV Correspondent)

Tags: , ,