Magmula 2013 hanggang sa kasalukyan, nasa 35 pesos lang ang itinaas ng minimum wage sa National Capital Region.
Ito ang nagbunsod sa Associated Labor Unions na maghain ng petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-NCR upang dagdagan pa ng 184 pesos ang kasalukyang minimum wage.
Ngunit matapos ang isinagawang public hearing ng wage board, P16 lang ang plano nitong ipagkaloob sa mga manggagawa.
Ayon kay ALU-TUCP advocacy officer na si Alan Tanjusay, ang purchasing power ng 491 ay nasa 357 na lamang, kulang na kulang ito para buhayin ang limang tao na binubuo ng isang pamilya.
Ayon naman sa Department of Labor and Employment, may basehan naman ang hiling ng Associated Labor Unions.
Pero dapat pa rin itong pag-aralang mabuti ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board.
(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)
Tags: Associated Labor Unions, minimum wage, NCR