Associate Justice Martin Villarama, humiling ng optional retirement

by Radyo La Verdad | November 5, 2015 (Thursday) | 4890

VILLARAMA
Nais ni Supreme Court Associate Justice Martin Villarama Jr. na mag retiro siya nang mas maaga kaysa sa itinatakda ng batas

Nanilbihan sa hudikatura si Justice Villarama sa loob ng mahigit dalawampu’t walong taon

Sa April 16, 2016 pa nakatakdang magretiro ang mahistrado pagsapit ng kanyang ikapitumpung kaarawan ngunit nais nito na magretiro na siya epektibo ngayong January 16.

Sa kanyang sulat kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno at sa mga kasamahang mahistrado, hiniling ni Justice Villarama na payagan siyang mag-avail ng optional retirement dahil sa kanyang humihinang kalusugan.

Dala ito ng pagkakaroon niya ng metal implant sa kanyang tuhod noong 2013 at ng operasyon sa kanyang mata nitong nakaraang taon.

Bukod dito, nakakaranas din ang mahistrado ng hirap sa paghinga at hypertension.

Sakaling aprubahan ng Supreme Court En Banc ang hiling ni Villarama, maaari nang umpisahan ng Judicial and Bar Council ang proseso ng pagpili ng kanyang kapalit. (Roderic Mendoza / UNTV News )

Tags: ,