Assessment sa Pilot Testing ng Alert Level System sa Metro Manila, isasagawa ng IATF-EID

by Erika Endraca | September 20, 2021 (Monday) | 5306

METRO MANILA – Kasabay ng pag-iral ng COVID-19 Alert Level System sa Metro Manila ang maigting na pagpapatupad ng granular lockdowns sa mga lugar na itinuturing na COVID-19 hotspots.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, kinakailangang hintayin muna ang resulta ng pilot testing ng bagong istratehiya kontra COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa huling linggo ng Setyembre, magkakaroon ng pagtalakay ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF_EID) kaugnay nito.

Gagawa rin ng assessment ang grupo at rekomendasyon kung ito ay maaari bang ipatupad din sa ibang lugar sa bansa.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, sa ngayon at hindi pa napag-uusapan sa ang pagpapalawig ng COVID-19 alert level system sa ibang bahagi ng bansa.

Samantala, batay naman kay Sec. Ano, nasa 171 maliliit na areas sa Metro Manila ang nasa ilalim ng granular lockdown.

Naka-deploy naman ang COVID-19 marshals, pulis at barangay disiplina brigade upang matiyak na istriktong nasusunod ang minimum public health standards sa ilalim ng alert level system sa kapitolyo.

(Rosalie Coz | UNTV News)

Tags: , ,