ASF patuloy na kakalat sa Asya – OIE

by Erika Endraca | November 5, 2019 (Tuesday) | 6092

METRO MANILA – Naniniwala ang World Organization For Animal Health (OIE) na patuloy na kakalat sa Asya ang African Swine Fever  (ASF) at walang bansa ang immune sa naturang deadly animal virus.

Nagsimula sa Africa ang naturang virus at kumalat sa may 50 bansa sa Europa at Asya kung saan daang milyong baboy na ang nasawi. Ayon sa OIE hindi nakakahawa sa tao ang ASF.

Naipapasa ang naturang sakit sa pamamagitan ng mga inuuwing pork products mula sa mga bansa na apektado ng ASF pero itinatapon sa basurahan at nirerecycle bilang pagkain ng mga baboy.

Kabilang sa mga bansa na apektado ng ASF ay ang Vietnam, Cambodia, Laos, Korea at Pilipinas. Apektado na rin ng pagkalat ng ASF ang presyo ng baboy sa international market gayondin ang animal feed markets gaya sa main at soybeans.

(Mirasol Abogadil | UNTV News)

Tags: