Asec. Mocha Uson, hindi uurungan ang mga kasong isinampa ni Sen. Trillanes sa korte

by Radyo La Verdad | September 25, 2017 (Monday) | 3435

 

Nasa New York City ngayon si Presidential Communication Assistant Secretary bilang bahagi ng delegasyon ng Pilipinas sa United Nations General Assembly.

Kahit nasa ibang bansa ay nakarating na sa kanya ang balita kaugnay ng isinampang kaso laban sa kanya ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Asec. Uson, malinis ang kaniyang konsensya at hindi niya sa uurungan sa  korte si Senator Trillanes dahil wala aniya siyang itinatago katulad ni Pangulong Duterte.

Sinampahan ni Trillanes si Uson noong Biyernes ng kasong 3 counts of Violation of the Cybercrime Prevention Act for libel, violation of the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, falsification and use of false documents at administrative case na grave misconduct.

Ang cyberlibel ay nag-ugat sa isang post na i-shinare ni Uson sa kanyang social media account tungkol sa umano’y offshore account ng senador sa Singapore.

Samantala, sinagot din ni Uson ang mga akusasyong nagpapaksaya lamang umano sa New York ang delegasyon ng Pilipinas sa United Nations General Assembly.

Itinanggi rin ni Uson ang balitang plano nitong tumakbo bilang senador sa susunod na eleksyon.

 

( Mary Jane Pineda / UNTV Correspondent )

Tags: , ,