Asawa ng mga sundalo, ibinihagi ang hirap na naranasan habang nasa Marawi ang kanilang mga asawa

by Radyo La Verdad | October 23, 2017 (Monday) | 3391

Naabutan namin ang grupo ng mga kababaihang ito na magkakasama sa isang bahagi ng grandstand ng Philippine Army sa Taguig noong Biyernes.

Excited silang lahat dahil sa wakas ay makikita na nila ang kanilang mga asawang sundalo na kasama sa unang batch na umuwi mula sa Marawi.

Subalit sa likod ng matatamis na ngiti, hirap at pasakit ang naramdaman ng mga ito sa mga panahong wala ang kanilang mga asawa.

Sa heroes welcome para sa mga sundalo ang isinagawa ng panumunuan ng AFP noong Biyernes ng gabi,  pinasalamatan rin ng Philippine Army ang kaanak ng mga sundalo.

Samantala, sinigurado naman ng Malacañang na matutuloy ang pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na libreng Hongkong trip sa mga sundalo na nakipaglaban sa Marawi.

Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, sasagutin ng Pangulo ang pocket money at hotel accomodation ng mga sundalo.

Tutulungan ng pribadong sektor na matupad ni Pangulong Duterte ang pangako nito sa mga sundalo.

Isang private airline company na umano sasagot sa pamasahe ng mga sundalo papuntang Hongkong.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,