Artworks ng ilang persons with disabilities, tampok sa isang art expo sa Mandaluyong City

by Radyo La Verdad | July 30, 2018 (Monday) | 3297

Inspirasyon ang hatid sa atin tuwina ng mga likhang sining dahil sa taglay na ganda, istorya at mensahe sa likod ng paggawa sa mga ito.

Tulad na lamang ng mga artwork na ito na itinampok kahapon sa Jose Rizal University sa Mandaluyong.

Mula pa ang mga ito sa iba’t-ibang lugar sa Latin America, Europa at Asya.

Ngunit mas naging espesyal ang mga likhang sining na ito dahil obra ng mga person with disability (PWD).

Kabilang sa mga artwork na narito ay ang sign language guide na likha ng deaf-mute na si Manny Yulo.

Ayon kay Manny, nagtyaga syang mag-ukit ng kahoy para rito sa loob ng dalawang linggo.

Samantala, nagtanghal din ng ilang awitin ang ilang italian musicians upang ibahagi sa mga Pilipino ang kanilang kultura sa pamamagitan ng musika.

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,