Arraignment sa 19 pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Espinosa, ipinagpaliban ng Baybay RTC

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 1206


Naghain ng urgent motion to defer arraignment o suspend proceedings ang kampo ni Police Superintendent Marvin Marcos sa Baybay Regional Trial Court Branch 14.

Nais ng kampo nitong isailalim sila sa preliminary investigation dahil hindi umano sila nakapaghanda dahil sa biglaang paglabas ng warant of arrest laban sa kanila.

Pinagbigan naman ni Judge Carlos Arguelles ang kanilang apela.

Pinag-aaralan rin ni Judge Arguelles ang posibilidad na mailipat sa Baybay City Jail ang mga akusadong pulis.

Una nang nagdesisyon si Judge Arguelles na pansamantalang ikulong ang labingsyam sa detention cell ng CIDG Region sa Tacloban City para sa seguridad ng mga ito.

Muling itinakda ang arraignment sa grupo sa April-26.

(Jenelyn Gaquit)

Tags: , , ,