Arraignment kay dating CJ Renato Corona sa kasong may kaugnayan sa hindi pagsusumite ng Income Tax Return, hindi natuloy

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 1059

file photo
file photo

Muling ipinagpaliban ng Court of Tax Appeals 2nd Division ngayong araw ang pagbabasa ng sakdal kay dating Chief Justice Renato Corona.

Ito ay kaungnay sa 6 counts na paglabag sa Article 254 ng Internal Revenue Code, o ang hindi paghahain ng kanyang Income Tax Return noong Chief Justice pa ito ng bansa.

Ayon sa Korte, kailangan muna nilang iresolba ang nakabinbing petition for review na inihain ng kampo ni Corona sa CTA En Banc na humihiling na i-dismiss ang anim na counts nakaso ng paglabag sa Internal Revenue Code.

Sinabi naman ng abogado ng dating Chief Justice, redundant ang anim na counts ng failure to file income tax return dahil nabasahan na ng sakdal si Corona sa anim na counts ng tax evasion o ang hindi pagbabayad ng buwis.

Sa September 7 itinakdaang arraignment ni Corona.

Natanggal sa pwesto sa pagka- Chief Justice si Corona sa bisa ng impeachment order ng kongreso dahil sa umano’y hindi tamang pagdedeklara ng kanyang Statement of Assets Liabilities and Networth o SALN.

Tags: