Arms grant ng China sa Pilipinas, bahagi ng pagpapalakas ng bilateral ties ayon sa Chinese FM

by Radyo La Verdad | December 15, 2016 (Thursday) | 1001
Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang(REUTERS)
Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang(REUTERS)

Bahagi ng pagpapalakas ng bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa ang hakbang ng China na firearms grant sa Philippine government.

Ito ang inihayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Geng Shuang sa isang regular news briefing ng kagawaran.

Matatandaang inihayag noong Linggo ni Pangulong Duterte na magbibigay ng 25-year to pay firearms deal ang China upang mapalakas ang defense system ng Pilipinas.

Walang namang detalyeng ibinigay ang pangulo kung anong uri ng mga baril, gaano karami at magkano ang kabuuang halaga ng arms deal.

Una nang sinabi ng chief executive na handa ang China na magbenta ng armas sa Pilipinas.

Ito ay matapos na lumabas ang isyu ng pagpapatigil ng Estados Unidos ng pagbebenta ng assault rifles sa pnpdahil sa mga kaso extrajudicial killings sa bansa.

Tags: ,