Halos taon-taon ay nakararanas ng kalamidad ang Balanga City sa Bataan, pangkaraniwan na rito ang mga pagbaha dulot ng bagyo at malalakas na pag-ulan.
Isa ang Barangay Puerto Rivas Ibaba, sa palaging binababa dahil nasa mababang lugar at nasa coastal area na delikado kapag may bagyo at storm surge.
Noong bagyong Nona, umabot sa hanggang dibdib ang tubig baha na pumasok sa mga bahay ng mga residente.
Kaya naman sa pangunguna ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, patuloy ang pagsasanay ng mga residente sa iba’t ibang barangay sa balanga bilang paghahanda sa posibleng sumapit na kalamidad.
Maging ang mga kabataan ay tinuruan ng CDRRMO sa tamang pagresponde sa panahon ng kalamidad.
Tags: Balanga CDRRMO, kalamidad, mga residente, tamang paghahanda