Armadong drug pusher sa Imus Cavite, arestado ng CIDG – ATCU

by Radyo La Verdad | February 11, 2018 (Sunday) | 2611

Sa bisa ng search warant na inisyu ni San Pablo City Executive Judge Agripono Morga, hinalughog ng mga tauhan ng CIDG-Anti Transnational Crime Unit ang bahay ni Montano Pakingan alyas Tony Boy Pakingan sa Anabu, Imus Cavite. Nakuha sa bahay ng suspek ang apat na klase ng baril at mga bala.

Ayon kay CIDG-ATCU Chief PSupt. Roque Merdegia Jr., nakuha din sa suspek  ang isang sachet ng shabu, marijuana at shabu paraphernalias.

Ayon kay Merdegia si Pakingan ang itinuturing na kilabot na pusher sa kanilang lugar at kalapit bayan.

Aminado naman ang suspek na  nagbebenta at gumagamit siya ng iligal na droga. Mahaharap sa patong-patong na kaso ang suspek.

Inaalam pa ng CIDG-ATCU kung bakit hindi ipinapahuli ng barangay ang suspek gayong katapat lamang ng bahay nito ang barangay hall.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

Tags: , ,