Arbitration ruling sa West Phil Sea dispute, ilalabas sa July 12

by Radyo La Verdad | June 30, 2016 (Thursday) | 1093
File Photo
File Photo

Maglalabas na ng arbitration ruling ang The Hague sa kasong isinampa ng Pilipinas laban sa China kaugnay ng West Philippine Sea dispute.

Ayon sa statement na inilabas ng Permanent Court of Arbitration o PCA, sa July 12 ilalabas ang desisyon at ipadadala sa Manila at Beijing sa pamamagitan ng electronic mail.

Kasama nito ang isang press release na naglalaman ng summary ng desisyon na nakasulat sa English at French at may unofficial Chinese translation.

Padadalhan din ng kopya ng desisyon ang mga observer countries at mga miembro ng P-C-A.

Nagsimula ang arbitration case noong January 22, 2013 nang padalhan ng Pilipinas ang China ng notification and claim sa ilalim ng probisyon ng United Nations Convention on the laws of the sea o UNCLOS ngunit ni-reject ito ng China.

(UNTV RADIO)

Tags: ,