Arbitration Court, pinanigan ang Pilipinas sa usapin ng maritime dispute sa West Phl Sea vs China

by Radyo La Verdad | July 13, 2016 (Wednesday) | 1658
Photo Courtesy: Rueters
Photo Courtesy: Rueters

Pinaboran ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague ang arbitration case ng Pilipinas laban sa China.

Sa labing isang pahinang press release ng Arbitration Court na may pamagat na South China sea arbitration—The Republic of the Philippines versus The People’s Republic of China, sinabi ng korte na walang legal na batayan ang historic rights ng China sa karagatang nakapaloob sa nine-dash line claim nito.

Sa usapin ng maritime entitlements, wala sa Spratlys Islands ang makakapag-generate ng maritime zones at may mga partikular na sea areas ang nasa loob mismo ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Wala rin itong overlapping sa entitlement ng China.

Ipinahayag din ng Arbitral Tribunal na nilabag ng China ang sovereign rights ng Pilipinas sa exclusive economic zone nito sa pamamagitan ng pagpigil sa mga Pilipino sa pangingisda at paggalugad ng oil at gas, pagtatayo ng artificial islands at pagpapahintulot sa mga Chinese fishermen na mangisda sa naturang lugar.

(UNTV RADIO)

Tags: