METRO MANILA – Nakikipagugnayan na ang National Task Force (NTF) Against COVID-19 sa Commission on Elections (Comelec) upang masiguro na hindi magiging super-spreader event ang pagdaraos ng May 2022 national at local elections sa bansa.
Bagaman wala pang pinal na desisyon ang Comelec, hinggil sa mga bagong protocols na ipatutupad sa darating na halalan. Isa sa mga tinitignan ng NTF ang posibilidad na palawigin ang botohan nang higit sa 1 araw.
Ayon kay NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Junior, ayaw ng pamahalaan na magaya ang Pilipinas sa nangyari sa Estados Unidos at india, kung saan pinagmulan ng mabilis na hawaan ng COVID-19 ang pagdaraos ng eleksyon.
Kaya naman pinagiisipan ng pamahalaan na huwag limitahan sa loob lamang ng 1 araw ang botohan.
“We are looking at the possibility that the election will be a multi-day election, not a single-day election so we can prevent the possible conglomeration of thousands of people in the precincts. For example yung national figure if we have 20 million electorates it will conglomerate at same time, same area, same place malaki ang chances na magkakaroon ng contamination so we are looking at the possibility we will conduct the election in multi day or meron tayong tinatawag na phasing” ani NTF Against COVID-19 Chief Implementer, Sec.Carlito Galvez Jr.
Kumpiyansa si Secretary Galvez na may sapat pang panahon ang kongreso para amyendahan ng batas para palawigin ang araw ng botohan nang higit sa 1 araw.
“I think we have plenty of time we will collectively plan this with Comelec and also maybe with the senate and congress. Kasi ginagawa naman na po natin yan eh, mga tinatawag nating special elections eh, maybe geographic ang gagawin natin for luzon ito yung ano natin, for visayas for mindanao, pwedeng ganun po there are many options on how we could guarantee yung safety ng ating mga electorates” ani NTF Against COVID-19 Chief Implementer, Sec.Carlito Galvez Jr.
Samantala, pinayagan na ng Commission on Election ang pagpapatuloy ng voters registration sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), simula sa September 6.
Sa twitter post ni Comelec Spokesperson Director James Jimenez, sinabi nito na aprubado na ito ng Comelec En Banc pati na ang satellite registration sa mga mall. Mula alas -8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon ang pagpaparehistro.
Batay sa naunang regulasyon, suspendido ang operasyon ng Comelec offices sa mga lugar na nakapailalim sa ECQ at MECQ.
(Janice Ingente | UNTV News)
Tags: 2022 National Election, COMELEC, IATF