Araw at oras ng Water Service Interruption, mababawasan na simula September 1

by Erika Endraca | August 27, 2019 (Tuesday) | 19348

MANILA, Philippines – Mababawasan na simula sa September 1, ang mga araw at oras na mawawalan ng suplay ng tubig ang mga customer ng Maynilad at Manila Water.

Kasunod ito ng gagawing pagdaragdag ng National Water Resources Board (NWRB) sa sukat ng alokasyon ng tubig na ibinibigay sa Metro Manila.

Ayon kay NWRB Executive Director Servillo David Jr, ang pagdaragdag ng alokasyon ay bunsod ng patuloy na pagangat ng lebel ng tubig sa Angat dam.

As of 7-am kahapon (August 26),umakyat na minimum operating level ang antas ng tubig sa dam na 180.7 meters. Dahil dito, asahan na mabawasan na ang mga araw at oras ng water service interruption ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga customer.

“Magkakaroon ng improvement sa services gun and inexpert nation with this additional releases na from angat dam expect this September 1” ani NWRB
 Director Servillo David Jr.



Bukod pa rito, ibabalik na rin ng NWRB ang 30 cubic meters na alokasyon ng tubig para sa irigasyon na ibinibigay sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Nitong nakaraang mayo, pansamantalang sinuspinde ng nwrb ang alokasyon sa irigasyon dahil sa pagsadsad ng tubig sa Angat dam.

Samantala ayon naman sa Pagasa posibleng magtuloy-tuloy na ang pagtaas ng tubig sa angat sa mga susunod na araw.

“Kasi nandito na tayo sa tag-ulan may mga bagyo at may mag inexpect pa tayo na bagyong dadating so inaasahan based from the historical naman natin na mga data nakikita natin during these month talaga tumataas ang elevation ng Angat dam” ani PAGASA
 Hydrologist, Shiela Schneider.

Bukod sa Angat, patuloy ring tumataas ang lebel ng tubig sa La Mesa dam, Ambuklao at Ipo dam.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: ,