Aquino Administration, hindi na kailangan paalalahanan ni VP Binay sa mga isyung dapat resolbahin – Malacañang

by Radyo La Verdad | August 5, 2015 (Wednesday) | 1464

LACIERDA
Muling pinuna ng Malakanyang ang ginawang bersyon ng SONA ni Vice President Jejomar Binay at sa patuloy na pambabatikos ng kampo nito sa Adminitrasyong Aquino kaugnay ng mga isyu sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, na hindi na dapat silang paalalahanan pa ng pangalawang pangulo sa mga isyu at problemang dapat na mabigyan ng solusyon.

Ayon sa Malakanyang handa nilang resolbahin ang mga problema sa bansa sa natitirang ilang buwan na lamang ng administrasyon.

Kinuwestyon naman ni Secretary Lacierda ang mga naging trabaho ni VP Binay sa nakalipas na limang taon.

Hindi rin itinuturing na banta ng Malakanyang si VP Binay sa 2016 National Elections kaugnay ng layunin ng Administrasyon na maipagpatuloy ang mga repormang nasimulan ni Pangulong Aquino. (Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,