Appointment ni Perfecto Yasay bilang kalihim ng DFA, hindi ng inaprubahan ng Commission on Appointments

by Radyo La Verdad | March 8, 2017 (Wednesday) | 1657


Muling sumalang sa pagdinig ng Commission on Appointments si Foreign Affairs Sec. Perfecto Yasay kanina kung saan naungkat na naman ang isyu ng kanyang citizenship.

Sa kabiila ng mga naunang pagtanggi, hindi na naitago ng kalihim ang katotohanan na nagkaroon siya ng American passport at nabigyan ng US citizenship noon kaya wala na syang nagawa kundi humingi na lamang ng paumanhin kung nagkaroon man aniya ng kalihituhan sa kanyang citizenship status.

Aniya, wala talaga siyang intensyon na linlangin ang CA at muli nitong iginiit na isa siyang Filipino citizen.

Matapos ang mag-init ang diskusyon, nagdesisyon ang komisyon na mag-executive session at saka ni-refer nalang sa plenaryo ng CA kung aaprubahan o irereject ang appointment ni Sec. Yasay.

Matapos ang ilang oras, lumabas na ang naging resulta ng botohan ng Committee on Foreign Affairs sa pamumuno ni Sen. Panfilo Lacson kung saan lahat ng labing limang miyemrbo nito ang sumang-ayon na ireject si Yasay.

Paliwanag ni Lacson ang desisyon ng CA ay bunsod ng pagsisinungaling ni Yasay sa komisyon.

Hindi naman pumasa si Yasay, inaprubahan naman ng CA ang appointment ng pitong foreign service officers ng DFA.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,