Available na para i-download sa Android at iOS ang Notion app, na makatutulong upang unang mabasa ng user ang mga e-mail na mahalaga para dito.
Gumagana ang app sa pamamagitan ng Artificial Intelligence o AI na siyang tutukoy kung alin ang mga mensahe na dapat i-prioritize na mabasa at masagot ng user.
Iha-highlight ng naturang app ang mga e-mail na kailangang sagutin ng user upang matulungan ito na makapili kung ano ang kanyang uunahin.
Bukod dito, ipo-prompt ng app ang user na mag-reply sa isang e-mail alinsunod sa deadline nito, at pagsasamahin sa isang folder ang mga hindi gaanong mahalagang e-mail para mas madali itong makita.
Dine-develop rin ang Notion app upang magamit sa Mac, Windows at sa world wide web.
Tags: Android at iOS, App na magbibigay prayoridad, mga e-mail na mahalaga sa user