Apolo Quiboloy, idiniteni sa Hawaii matapos makitaan ng $350k at mga piyesa ng baril ang sinasakyang private jet

by Radyo La Verdad | February 16, 2018 (Friday) | 6798

Idenitine sa Honolulu Airport sa Hawaii ng isang araw si Kingdom of Jesus Christ Founder Apollo Quiboloy matapos makitaan ng 350 thousand dollars ng mga federal agent sa kaniyang sinasakyang private plane.

Nakasilid umano sa mga medyas na inilagay sa isang suitcase ang pera. Ilang gun parts din ang napaulat na nakita sa eroplano.

Isang Felina Salinas naman na kasama ni quiboloy sa eroplano ang umako sa pera. Inaresto ito ng mga otoridad at nahaharap sa kasong bulk cash smuggling. Pinalaya naman ito matapos makapagbayad ng 25,000 US Dollars na piyansa.

Paalis na sana ng Hawai ang eroplano pabalik ng Maynila nang maharang ng mga otoridad. Wala pang pahayag hinggil dito ang pinuno ng naturang religious organization.

 

 

Tags: , ,