Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA na muling magbigay ng karagdagang exemption sa ipinatutupad na number coding scheme.
Ito’y kasunod ng pagpapalawig sa umiiral na no window hours policy hanggang sa buwan ng Hulyo.
Sa ngayon, libu-libong aplikasyon na ang hawak ng MMDA ngunit hindi pa rin naaprubahan.
Aminado si MMDA Officer- in-Charge Thomas Orbos na nahihirapan silang matukoy kung sinu-sino ang mga karapatdapat na bigyan ng exemption.
Sa halip na gawing indibidwal ang pag-aapply ng exemption, plano ng MMDA na kausapin na lamang ang mga institution at establisyimento na mas higit aniyang nakakalam kung sino ang mas kwalipikadong bigyan nito.
Noong January 21, 2017 pansamantalang sinuspindi ng MMDA ang pag-iisyu ng exemption sa number coding scheme.
Plano naman ng ahensya na magtakda ng mas striktong panuntunan sa pag-iisyu ng exemption upang masegurong maibibigay ito sa tunay na nangangailangan.
Sa ngayon ay pag-aaralan pa ito ng MMDA, saka magtatakda ng petsa kung kailan muling bubuksan ang aplikasyon.
(Joan Nano / UNTV Correspondent)
Tags: Aplikasyon para sa exemption sa number coding scheme, planong ibalik ng MMDA