Apela ni Pangulong Aquino para kay Mary Jane Veloso, isinantabi ni Indonesian President Widodo

by dennis | April 28, 2015 (Tuesday) | 1870
photo credit: Reuters
photo credit: Reuters

Tuloy na ang pagsalang sa firing squad ni Mary Jane Veloso matapos hindi pagbigyan ni Indonesian President Joko Widodo ang apela ni Pangulong Benigno Aquino III na ibaba ang sentensya nito.

Ipinahayag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, na matibay ang paniniwala ni Widodo na may sapat na batayan ang Indonesian Attorney General para ituloy ang hatol na kamatayan kay Veloso.

“Following the meeting this morning (Monday) between the two Presidents, President Widodo this evening instructed his Foreign Minister to convey to the Philippine Secretary of Foreign Affairs the final view of the Indonesian Attorney General that there is no basis to reconsider the death sentence; that the execution will need to be enforced,” pahayag ni Coloma.

Kasunod nito, ipinagutos na ni Pangulong Aquino sa Philippine ambassador sa Indonesia na makipag-ugnayan kay Veloso para agad na matupad ang mga kahilingan nito para sa pamilya.

Iginiit ng Palasyo na ginawa na nila ang lahat ng makakaya para maisalba ang buhay ni Veloso at nangakong paiigtingin nila ang kanilang kampanya para huwag nang maulit ang ganitong kaso sa mga OFW at sa mga Pinoy na bumibyahe na turista sa ibang bansa.

Tags: , , ,