Apela ni Pang. Duterte na ibalik ang death penalty, suportado ng PNP

by Radyo La Verdad | July 23, 2019 (Tuesday) | 12072

Sang ayon ang Philippine National Police na ibalik ang death penalty sa bansa.

Sa State of the Nation Address kahapon, nanawagan sa Kongreso si Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik ang parusang kamatayan para sa mga sangkot sa heinous crimes, iligal na droga at plunder.

Naniniwala si PNP Chief Police General Oscar Albayalde na “game changer” ang pagpapatupad ng naturang parusa sa pagpapababa sa krimen.

“Ang importante dito ay we convict those people na talagang we know that their guilty, yun yung stand natin but we support. Kaya kailangan talaga ay maayos,” ani PGen. Oscar Albayalde Chief, PNP.

Una nang sinabi ng PNP na dapat na pag aralang mabuti ang panukalang pagbuhay sa death penalty.

Kailangan din umanong ayusin ang criminal justice system sa bansa bago ibalik ang parusang kamatayan.

Dagdag pa ni Albayalde, sakaling matuloy ang pagpapatupad sa naturang panukala dapat ang maging saklaw nito ay mga drug lord, drug smuggler at ang kanilang mga financier at hindi ang mga ordinaryong drug user at pusher.

 “Ito ay talagang heinous hindi naman yung street pushing ito, baka sabihin ng mga tao ay street pushing, hindi street pushing itoy mga big time depende sa appreciation ng Congress yan kung ilang kilo ang ma-recover sa isang tao para sa ma-cover ng death penalty,” sinabi ni ani PGen. Oscar Albayalde Chief, PNP.

Una na ring sinabi ng Commission on Human Rights o chr na kailangang magkaroon ng frank at factual na diskusyon kung totoong epektibo ang death penalty laban sa kriminalidad.

Ayon sa CHR kailangan parusahan ang mga nagkasala subalit dapat bigyang halaga rin ang buhay.

Samantala, pabor din ang pambansang pulisya na ibalik ang mandatory ROTC sa grade 11 & 12.

“The very important their is the sense of nationalism, love of country at patroitism sa Pilipino lalo na sa mga kabataan.  Not to mention na napakaliit nating bansa, we have to defend our country in case of war,” ayon kay PGen. Oscar Albayalde Chief, PNP.

Aniya, posibleng nakita ng pangulo na bumababa ang pagmamahal ng mga Pinoy sa bansa kayat nais niyang ibalik ang ROTC sa mga senior high school.

(Lea Ylagan | UNTV News)

Tags: ,