Apela ng 17 partylist sa pagbasura ng COMELEC sa kanilang registration, idinismiss ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 860

JERICO_THEODORE-TE
Ibinasura ng Korte Suprema ang apela ng 17 partylist matapos i-disqualify ng COMELEC ang kanilang application for registration at accreditation bilang regional o sectoral party list groups para sa 2016 National Elections.

Sa isang press briefing, sinabi ni Supreme Court-Public Information Office Supreme Court PIO Chief Theodore Te, dinismiss ito ng Korte Suprema sa dahilang wala itong nakikitang pagmamalabis sa diskresyon ng COMELEC sa pagdisqualify sa mga ito.

Ang naturang mga partylist ay ang Ang Bayaning Kawal at Pulis Inc. (ABAKAP), Alyansa ng Katutubong Pilipino (AKAP), Association of Direct Vendors, Agents, Networking Circles, and Entrepreneurs (ADVANCE), Witnesses for a transparent and Equitable Society, Lingap Balen, Sulong Katutubo, Ating Aral Regional(NCR) Sectoral Party of the Women and Youth Sector, Essential New Generation in Needs of Energy and Environment Resources Inc., Philippine Alliance for Responsible Trade by Nation Builders (PARTNERS), Alliance of Public Transportation Inc. ( 1-APTO), Pilipinas Para sa Pinoy(PPP), Chronic Kidney Disease (Ang CKD), Angat Ahon Magsasaka Inc.(AAM), Women and Child Crime Abuse Assistance (WACCAA), Ang Siguro Inc., United Women Against Poverty (UWAP), at Isang Lapian ng Mangingisda at Bayan Tungo sa Kaunlaran (1-LAMBAT)

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)