Naghahanda na ang ilang militanteng grupo para sa APEC Economic Leaders Meeting sa Maynila.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, nakahanda na sila sa mga isasagawa nilang kilos protesta sa mga araw ng APEC Summit.
Nakiusap naman si APEC National Organizing Council Director General Marciano Payno sa mga raliyista na huwag na sana nilang piliting makapasok sa lugar na nasasakupan ng Philippine International Convention Center sa Pasay City na pagdaraosan ng APEC Economic Leaders Meeting.
Aminado si Payno na mahirap ang ginagawa nilang paghahanda para sa pagdating ng mga delegasyon lalo na’t dalawamput isang lider ng bansa ang darating sa Pilipinas.
Kaya humihingi na ng pangunawa sa publiko ang APEC Organizing Body dahil sa mga adjustment na gagawin ng pamahalaan partikular na sa pagsasara ng ilang mga pangunahing kalsada na ang pangunahing maaapektuhan ay ang mga motorista.
Ayon kay Payno,ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan tulad ng suspensyon ng mga trabaho at klase sa National Capital Region sa araw ng APEC Summit ay dumaan sa masusing konsultasyon sa mga stakeholder lalo na sa business sector. (Nel Maribojoc/UNTV News)
Tags: APEC National Organizing Council Director General Marciano Payno