Inadopt na ng Policy Partnership on Science, Technology and Innovation APEC ang panukala ng Pilipinas na bumuo ng policy statement kaugnay ng Science Technology and Innovation na saklaw ng agenda ng APEC Member States na mas gawing inclusive ang ekonomiya ng bawat miyembro nito.
Ayon kay PPSTI Chair Chen Linhao, laman ng policy statement na napagkasunduan nila ang ibat ibang hakbangin sa kung papaano makatutulong ang science and technology sa ikakaunlad pa ng mga bansa.
Matatandaang imungkahi ng Pilipinas noong 5th PPSTI Meeting sa Boracay na bumuo ng policy statement ang PPSTI para sa science technology.
Para sa DOST, magandang hakbang ito hindi lang para sa Pilipinas kundi maging sa bawat APEC Member Economies.
Ayon kay Chen Linhao, natakdang isumite ang policy statement na binuo sa meeting sa Senior Officials Meeting ng APEC.
Inaasahang maiincorporate ito sa mas mga high policy ng APEC. (Darlene Basingan / UNTV News)
Tags: PPSTI Chair Chen Linhao