APEC Delegates, binigyan ng city tour sa Cebu

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 3640

APEC
Bago umuwi ang APEC Delegates na dumalo sa Senior Officials Meeting, binigyan mula sila ng libreng tour sa Cebu City upang mas maibahagi ang kasaysayan at mga pagbabago sa bansa sa paglipas ng panahon.

Ipinasyal sila ng Department of Tourism at APEC Organizers sa lungsod at ikinwento sa mga bisita ang pagdating ng mga espanyol sa Mactan Cebu sa panguguna ni Ferdinand Magellan noong taong 1521

Isinakay din ang mga delegado sa kalesa habang lumilibot sa lugar.

Tumagal ang kanilang paglilibot sa Fort San Pedro, isa rin sa mga kilalang tourist attraction sa lungsod.

Matapos nito, dinayo rin nila ang Parian District kung saan makikita naman ang ancestral houses na itinayo pa noong taong 1730.

Para mapakita naman ang malaking pagbabago sa lungsod, pinuntahan din nila ang business hub kung saan naroon ang malalaking mga kumpanya at mga negosyo.

Sa huli ay nagpicture taking sila sa isang mall sa seaside na sinasabing hugis barko ang porma, bilang simbolo ng kasaysayan ng lungsod.

Maliban sa city tour, binuksan sa isang mall dito sa Cebu ang exquisitely filipino exhibit kung saan naka-showcase ang
mga produktong tatak Pinoy tulad ng mga muebles at iba pa.

Isang fashion show din ang ipinamalas upang ipagmalaki naman ang mga damit na may touch of culture and heritage ng Cebu. (Joyce Balancio / UNTV News)

Tags: ,