APEC Business Advisory Council, may pinal nang rekomendasyon sa pagbubukas ng maraming trabaho at pagpasok sa pandaigdigang merkado

by Radyo La Verdad | November 17, 2015 (Tuesday) | 1236

abas
Naniniwala ang Apec Business Advisory Council o ABAC na nahaharap sa dalawang pagsubok ang ekonomiya ng Asya Pasipiko.

Una ay ang paghanap ng mga industriya o sektor na magpapanatili ng malagong ekonomiya at ikalawa ay ang problema sa trabaho.

Ang mga solusyon sa mga pagsubok na ito ay kabilang sa mga rekomendasyong ilalatag ng ABAC sa mga susunod na araw sa APEC Leaders.

Ang ABAC ang nagsisilbing boses ng business sector sa APEC sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga suwestyon kaugnay ng mga polisiyang o kasunduang ginagawa ng mga kasaping bansa.

Unang rekomendasyon ay ang pagbibigay pansin sa services sector dahil mahigit kalahati ng combined gross domestic product ng rehiyon ay mula sa service sector.

Ikalawang rekomendasyon ay ang pagpapalawig ng partisipasyon ng maliliit na negosyo o msmes sa pandaigdigang kalakalan. Ito ay dahil karamihan ng mga negosyo sa bansa ay mga msmes.

Naniniwala ang ABAC na isang paraan upang makarating sa mga mahihirap ang benepisyo mula sa malagong ekonomiya ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga maliliit na negosyo.

Halos mahigit 90 percent ng mga negosyo sa maraming APEC Economies ay mula sa msmes ngunit mababa ang partisipasyon ng mga msmes sa eksportasyon.

Ilan sa itinuturong dahilan ay ang mahirap na customs requirement at access sa foreign markets at financing.

Ang pagbibigay ng oportunidad sa mga msmes na makasali sa pandaigdigang kalakaran ang isa sa pangunahing layunin ng apec ngayong taon.

Ikatlong rekomendasyon ng abac ay ang pagsasaayos ng digital internet infrastructure upang magkaroon ng access sa internet ang iba pang apec members na napapanahon sa ngayon dahil sa paglawig ng teknolohiya. (Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: