Apat, sugatan sa pamamaril ng riding in tandem sa Tondo, Manila

by Radyo La Verdad | December 18, 2017 (Monday) | 5476

Nakuhanan ng CCTV ang pamamaril ng riding in tandem sa Gerona street, barangay 83 sa Tondo, Maynila bandang alas dose katorse kaninang madaling araw.

Habang tahimik na nagkakaracruz ang mga kalalakihan, ilang sandali ay biglang dumating ang nakamotorsiklo at walang habas na pinagbabaril sila. Agad nagpulasan ang mga lalaki ngunit nasugatan naman ang apat na kinilala na sina Ariane Isidro, Virgilio Dela Peña at Ezekiel Borommeo, habang kritikal naman sa ospital si Reggie Galace na natamaan sa dibdib.

Ayon sa mga nakakita sa pangyayari, pawang mga nakaface mask ang mga suspek at wala silang alam na motibo sa pamamaril sa mga biktima dahil naglilibang lang naman ang mga lalake na mga pedicab driver sa lugar.

Samantala, ilang minuto lang ang nakalipas, pinagbabaril rin ng riding in tandem criminals ang isang mangangalakal ng basura sa Mata st. brgy. 108 zone 9 sa Tondo, Maynila. Patay ang biktimang kinilalang si Nanding Ocampo, 24 years old at nakatira sa isang bangketa ng Capulong street.

Ayon sa kamag-anak ng biktima, galing ito sa lamay at nakatambay lang ng biglang sumulpot ang mga suspek na nakasakay sa motorsiklo at apat na beses itong pinaputukan

Inaalam na ng pulisya kung may kaugnayan ang pamamaril sa kabilang barangay at kung ano ang motibo sa pamamaril.

 

( Reynante Ponte / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,