Lubos ang galak at pasasalamat ng mga premyadong Filipino musician, performer, at composer na naimbitahang maging bahagi ng A Song of Praise Music Festival Year 4 Grand Finals.
Hinangaan nila ang pagtatanghal ng mga orihinal na komposisyong awit papuri sa Maylalang.
Ayon kay Mr.Public Service Kuya Daniel Razon, hindi lang OPM industry ang nabigyang-buhay ng ASOP kundi nakapagbigay inspirasyon din ito sa buhay ng mga kapwa-tao.
Bago pa man maipalabas ang programang A Song of Praise Music Festival sa telebisyon noong 2011, isinusulong na ng Members Church of God International ang paglikha at pag-awit ng mga song of praise taong 2004 pa.(Rosalie Coz/UNTV Correspondent)
Tags: A Song of Praise Music Festival Year 4 Grand Finals, Mr.Public Service Kuya Daniel Razon
METRO MANILA, Philippines – Ginanap noong Biyernes ng gabi ang 1st Rotary Wheel Celebrity Award For Public Service sa Intramuros Maynila. Layon ng event na ito na kilalanin ang mga indibidwal at mga celebrity na nagbigay ng malaking ambag na serbisyo publiko sa kanilang mga larangan.
Kinilala bilang Best Television Channel For Public Service ang UNTV dahil sa mga programa nito na laging may kaakibat na serbisyo publiko na konsepto ng CEO at President ng UNTV na si “Kuya” Daniel Razon.
Pangunahin ring sumusuporta sa mga adbokasiya ng UNTV ang overall servant ng Members Church Of God International na si Bro Eli Soriano.
Isa sa mga konsepto ni Kuya Daniel ay ang “Tulong Muna Bago Balita”. Kung saan prayoridad ng UNTV correspondents na tumulong sa kapwa kaysa mauna sa balita. Kabilang naman sa programa na may kaakibat na pagtulong sa kapwa ay ang UNTV Cup na nakatapos na ng pitong season.
Ang mga kalahok sa Charity Basketball League ay pipili ng charity institutions kung saan dito mapupunta ang salaping kanilang mapapanalunan sa liga.
“Maraming maraming salamat, first and foremost, nagpapasalamat tayo sa Dios sa award na ito sa ngalan po ni Kuya Daniel Razon, maraming salamat at siyempre sa pangunahing tumutulong po ng lahat ng public service ng UNTV, Bro. Eli Soriano, maraming salamat po sa Dios. Tayo po ay nagbibigay ng genuine public service sa ating mga kababayan at bonus na po kung tayo ay nabibigyan ng award,” ani Ms. Annie Rentoy ang station manager ng Radyo La Verdad 1350 na siyang representative ni Kuya Daniel Razon sa pagtanggap ng award.
Ang Rotary Wheel Celebrity Awards ay proyekto ng Rotary Club Of Manila Fort Santiago sa pakikipagtulungan ng Aliw Awards Foundation Inc, The Filipino Academy Of Movie Arts And Sciences O FAMAS at Soroptimist International Las Pinas Central.
(Nel Maribojoc | UNTV News)
Tags: Best TV Channel For Public Service, Kuya Daniel Razon, Mr.Public Service Kuya Daniel Razon, Public Service Channel, UNTV
Kinilala ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas ang mga kontribusyon ni Kuya Daniel Razon sa industriya ng pamamahayag sa ikadalawmpu’t limang Golden Dove Awards kahapon.
Iginawad kay Kuya Daniel ang Lifetime Achievement Award na ipinagkakaloob sa mga indibidwal na may malaking ambag sa pagsulong ng broadcast media at nagpamalas ng pambihirang kagalingan sa trabaho.
Nakilala si Kuya Daniel bilang Mr. Public Service dahil sa paglulunsad ng mga programa at proyektong may natatanging konsepto na naglalayong makatulong sa kapwa.
Kabilang na rito ang “Tulong Muna Bago Balita” na kaunaunahan sa Pilipinas.
Sa pangunguna ni Kuya Daniel, lahat ng mga news reporter, anchor, cameramen at staff ng UNTV ay sumailalim sa rescue training upang makatulong sa pagtugon sa mga nangangailangan.
Si Kuya Daniel din ang nagpasimula ng paggamit ng drone technology sa pagbabalita.
Pinatunayan din ni Kuya na maging ang sports at entertainment ay maaaring magamit sa public service sa pamamagitan ng UNTV Cup at Wish FM 107.5.
Tiniyak naman ni Kuya Daniel na mananatiling nakatuon sa serbisyo publiko ang anomang programang o proyektong kanyang ilulunsad sa hinaharap.
Samantala bukod sa pagiging Lifetime Achievement Awardee, si Kuya Daniel ay nominado rin bilang best newscaster for radio.
Kasama rin sa mga nominee sa iba’t-ibang category ang ilang UNTV programs tulad ng Good Morning Kuya para sa Best Variety Program, KNC Show para sa Best Children’s Program at 911 UNTV Rescue para sa Best Radio Public Service Announcement Category.
(Leslie Longboen)
Tags: KBP, Lifetime Achievement Award, Mr.Public Service Kuya Daniel Razon
Ginawaran ng natatanging parangal si Mr. Public Service Kuya Daniel Razon sa UmalohokJuan Awards 2016 ng Lyceum of the Philippines Manila Campus.
Isa si Kuya Daniel sa mga binigyan ng special citation award, dahil sa kanyang mga natatanging proyekto na may layuning makapagbigay ng serbisyo publiko para sa mga mahihirap nating mga kababayan.
Kabilang si Kuya Daniel sa mga napili ng faculty members at mga opisyal ng LPU Manila campus na karapat-dapat na tumanggap ng naturang parangal dahil sa pagsisilbi nito bilang isang mabuting halimbawa at kahanga-hangang personalidad sa larangan ng media.
Ilan sa mga public service na patuloy na isinusulong ni Kuya Daniel ang libreng sakay, free medical mission, free scholarship program, action center ni kuya at iba pang mga programa.
Ang UmalohokJuan Awards ay isang communication media awards, na nagbibigay pagkilala sa mga natatanging organisasyon, mga personalidad at TV programs na may malaking kontribusyon sa pagpo-promote ng justice, unity at nationalism na mga katangiang isinulong ng founder ng Lyceum of the Philippines na si Jose P. Laurel.
Ito na ang ikatlong taon ng UmalohokJuan Awards, ngunit ito ang unang pagkakataon na nagbigay ito ng special citations award.
Naniniwala naman ang pamunuan ng LPU na ipagpapatuloy ni Kuya Daniel ang kanyang mabuting adhikain na makatulong sa mga kapus-palad nating mga kababayan.
(Joan Nano/UNTV News Correspondent)
Tags: BMPI-UNTV CEO Daniel Razon, clinic ni kuya daniel razon, DANIEL RAZON, Get it Straight Daniel Razon, Kuya Daniel Razon, Mr.Public Service Kuya Daniel Razon, Radyo la Verdad 1350, UNTV RADIO 1350