Apat na probinsiya sa Eastern Visayas, posibleng maapektuhan ng La Niña phenomenon-Office of the Civil Defense

by Radyo La Verdad | June 2, 2016 (Thursday) | 2718

JENELYN_OCD
Pinaghahandaan na ng Office of the Civil Defense ang posibleng pag-iral ng La Niña phenomenon sa bansa.

Batay sa isinumiteng ulat ng PAGASA, sa anim na probinsiya sa Eastern Visayas, apat sa mga ito ang nahaharap sa banta ng kalamidad na dulot ng La Niña.

Ito ay ang Southern Leyte na prone sa landslides at ang Eastern at Northern Samar at Leyte areas na lantad naman sa mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Ayon kay Civil Defense Regional Director Edgar Posadas, lakip ng kanilang paghahanda ang pagkakaroon ng disaster awareness at capacity building activities sa bawat probinsiya upang makamit ang target na zero casualty.

Natuto na rin ang mga residente sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong 2013 na sinundan ng Bagyong Ruby at Nona kaya hindi na mahirap ipatupad ang evacuation operations.

Kusa na rin silang sumasailalim sa disaster preparedness trainings o kaya’y lumalapit sa mga tanggapan ng OCD upang mag-request ng training workshop.

Kaya naman hinikayat rin ng Office of the Civil Defense ang publiko na makiisa sa mga isinasagawang quake at fire drills sa kanilang lugar.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,