Tinanggal na sa pwesto ang apat na matataas na opisyal ng National Bureau of Investigation kaugnay ng kasong pagdukot at pagpatay sa negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.
Ang mga ito ay sina:
Atty. Jose ‘Jojo’ Yap, ang Deputy Director for Investigative Services; Atty. Ric Diaz, ang Regional Director ng NBI-National Capital Region; Atty. Darwin Lising, head agent ng NBI-NCR; at si Atty. Roel Bolivar, ang head ng NBI Task Force Against Illegal Drugs.
Si Deputy Director Vicente De Guzman The Third ang magiging kapalit ni Yap habang si Atty. Jonathan Galicia naman ang papalit kay Bolivar.
Ipinatupad ni NBI Director Dante Gierran ang re-shuffle kasunod ng alegasyon ni PSupt. Rafael Dumlao na ilang mga taga-NBI ang posibleng sangkot din sa pagdukot at pagpatay kay Jee.
Tags: Apat na opisyal ng NBI, tinanggal sa pwesto kaugnay ng imbestigasyon sa Korean kidnap-slay